"Forgive? Yes! Forget? NO. :(“
Meron talagang mga taong madaling magpatawad, pero hindi madaling makalimot. Aminin mo, ikaw rin. Maaring natanggap na natin na nangyari na, natanggap na natin na tapos na at wala na tayong magagawa. Pero hindi pa rin natin nalilimutan ang sakit na naramdaman natin, ang bawat luhang ipinatak ng ating mata at ang bawat masasakit na salita na naibato sa’tin. 
Masakit at mahirap kapag nabasag at nasira na ang tiwala sa’yo ng isang tao. Hindi mo sila masisisi sa “GALIT” na naramdaman nila sa’yo. Hindi mo sila masisisi sa “PANUNUMBAT” na ibibigay nila sa’yo. Ang tiwala kasi, hindi naman madaling ibigay yan. At sobrang sakit sa pakiramdam ‘pag ang taong binigyan mo ng sobrang tiwala ang hindi mo inaasahang sisira at mananakit sa’yo.
Time heals. Ika nga nila. Magkakaroon ng punto sa buhay natin na ang bawat luhang ipinatak, bawat sakit na naramdaman, ay magiging parte na lamang ng alaalang kailanman hindi mabubura sa ating puso at isipan.

Tagged as: life,   escafeism,   trust,   tiwala,   long text,   (c) sa fb sa picture,