Sabi nga ng karamihan, ipaglaban mo daw yung taong mahal na mahal mo at ayaw mong mawala sa’yo.
Pero paano mo ipaglalaban ang taong ipinapakita sa’yong ikaw na dapat ang sumuko? 
Na ikaw nalang ang nagmamahal at lumalaban?
 Na wala ka nalang sa kanya at handa na siyang maghiwalay kayo.
Makakayanan mo bang ipaglaban ang taong kusang tinutulak ka palayo? Makakayanan mo bang ipaglaban ang taong siya na mismong nagpapahiwatig na ikaw ang talo?
Kapag nagmamahal, puso ang ginagamit, pero hindi ibig sabihin nun, makakalimutan mo ng may utak ka. Utak para mag-isip, hindi utak para utuuin at maging tanga. Meron kang puso para magmahal, hindi puso para masaktan at magpakamartyr nalang. 
Alam kong hindi madaling sabihing SUMUKO ka sa laban na ang tagal mong iniingatan. Alam kong hindi madaling IWANAN ang taong mahal na mahal mo ng sobra. Pero kapag ginagawa ka ng tanga, sinasaktan ka pa, at binabalewala, hindi pa ba sapat yun para iwan at isuko siya? Meron bang labang naipananalo ng mag-isa lang? Pumasok ka sa isang relasyong mayroong dalawang tao, pero bakit habang tumatagal nararamdaman mong mag-isa ka nalang? Relasyon pa ba ang tawag don?
Hindi ko minamasama ang mga taong martyr at tanga, ang sinasabi ko lang… pahalagahan naman nila ang mga sarili nila.

Sabi nga ng karamihan, ipaglaban mo daw yung taong mahal na mahal mo at ayaw mong mawala sa’yo.

  • Pero paano mo ipaglalaban ang taong ipinapakita sa’yong ikaw na dapat ang sumuko?
  • Na ikaw nalang ang nagmamahal at lumalaban?
  • Na wala ka nalang sa kanya at handa na siyang maghiwalay kayo.

Makakayanan mo bang ipaglaban ang taong kusang tinutulak ka palayo? Makakayanan mo bang ipaglaban ang taong siya na mismong nagpapahiwatig na ikaw ang talo?

Kapag nagmamahal, puso ang ginagamit, pero hindi ibig sabihin nun, makakalimutan mo ng may utak ka. Utak para mag-isip, hindi utak para utuuin at maging tanga. Meron kang puso para magmahal, hindi puso para masaktan at magpakamartyr nalang. 

Alam kong hindi madaling sabihing SUMUKO ka sa laban na ang tagal mong iniingatan. Alam kong hindi madaling IWANAN ang taong mahal na mahal mo ng sobra. Pero kapag ginagawa ka ng tanga, sinasaktan ka pa, at binabalewala, hindi pa ba sapat yun para iwan at isuko siya? Meron bang labang naipananalo ng mag-isa lang? Pumasok ka sa isang relasyong mayroong dalawang tao, pero bakit habang tumatagal nararamdaman mong mag-isa ka nalang? Relasyon pa ba ang tawag don?

Hindi ko minamasama ang mga taong martyr at tanga, ang sinasabi ko lang… pahalagahan naman nila ang mga sarili nila.

Tagged as: relationship,   love problems,   love,   long text,   problems,   couple,   escafeism,